Sa landas na naligaw mag-isang lumuluha Sa gabing hinahanap ka Ang mga di mabilang na ating alaala Kasama hanggang pangarap Puso ko'y nalulumbay dahil di ko masabi Pag-ibig ko, sa iyo ay tapat Di ko man lang namasdan Ang mata mong may luha Nadala na ng panahon Tuwing pinipikit itong mga mata Ikaw lamang ang s'yang nakikita Walang masabi na salita, pigilan ang luha Ang akala ko noon, di mo ako minamahal Ngayon ay yayakapin
Panahon man ay nagdaan Sa puso ko'y naiiwan Mga pangakong binitiwan ay di malimutan Natupad na pangarap, na iyong pagmamahal Ngayon ay yayakapin At pagsapit ng gabi, pigil ko ang sarili Nais kang muling makita Ngayong ating damdamin Ay ating napag-isa Tayo ay magsasama Ngayon ay yayakapin