Pamaypay ng Maynila na aking tangan-tangan Ang siyang magsasabi ng damdamin yaring buhay Ang bawat mga kilos at hudyat ng pamaypay May ibig na sabihin na dapat mong pag-aralan Pag ito'y nakatabing sa tapat ng mukha ko Ang ibig na sabihin ay nahihiya ang puso ko Ngunit pag namasdan mo sulyap ko ay sa iyo Ang ibig na sabihin may pag-asa ang puso mo Pag ito'y pinangaspas ng maraya't maduling Ako ay nagagalit huwag mo sanang babatiin Subalit pag banayat may ngiti pa at lambing Ako ay umibig lapitan mo aking giliw Pamaypay ng Maynila Kay sarap na gamitin Ang aliw at panglunas sa mainit na damdamin Bawat simoy ng hangin na dito'y nanggalin At hatid ay pag-ibig ng puso kong matampuhin
Pag ito'y pinangaspas ng maraya't maduling Ako ay nagagalit huwag mo sanang babatiin Subalit pag banayat may ngiti pa at lambing Ako ay umibig lapitan mo aking giliw Pamaypay ng Maynila Kay sarap na gamitin Ang aliw at panglunas sa mainit na damdamin Bawat simoy ng hangin na dito'y nanggalin At hatid ay pag-ibig ng puso kong matampuhin